OKAY. SO natanggap na ako nung November sa NCCA bilang researcher.
Contract employee lang. Three months. May yearbook project kasi sila
at kailangan ng ekstrang tao. Okay lang ang bayad, kaso may 10% withholding
tax, at siyempre, dapat may Tax Identification Number (TIN) ako. So
tinanong ko yung boss ko: "Sir, di po ba yung employer ang maglalakad
ng TIN ng employee?" Sagot ni bosing: "Di ka kasi regular
employee kaya dapat ikaw ang maglakad ng TIN mo." Assurance nung
assistant ni bosing:"Okay lang yan, one-time hassle lang yan."
'Ala ako problema. Sige, ako maglalakad ng TIN ko. Tutal, ano ba
ang worst case scenario? Mahabang pila? Red Tape? Naknamsiomai, sanay
naman ako sa UP e—kuhaan ng classcards, pila sa registration,
pila sa graduation, etc. Ako rin naman ang naglalakad ng registration
ng beetle ko, at sa pagrerenew ko ng lisensya, so okay lang.
Sabi ni bosing, dun daw ako mag-apply ng TIN sa BIR Main office sa
Quezon City para mas konti ang pila. May BIR din naman sa labas ng
Intramuros, walking distance para sa mga sanay maglakad, pero mas
konti raw ang tao sa Main. So, sige, nagpaalam ako, isang araw mag-aabsent
ako para lakarin yun. Dun ako sa Main, dahil malapit lang sa amin,
tapos plano ko, dadaanan ko yung ilang research materials sa UP. Solb.
Pagdating ko sa BIR Main, nagulat nga ako dahil wala ngang katao-tao.
Ni wala akong nakitang pila, maliban lang dun sa pila sa harap, dahil
tsinecheck nung sekyu yung bag ng mga tao. Nung pagpasok ko, wala
pala silang TIN forms. Wow. Naubusan ng TIN Forms ang BIR Main. Hanep.
Tinanong ako nung lalaki sa desk kung para saan yung TIN application
ko, sabi ko, para sa work. Tinanong kung saan ako nagtatrabaho, sabi
ko sa Intramuros.
"Dun ka mag-apply sa Intramuros," sabi nung lalaki.
"Di po ba puwede talaga rito?"
"Hinde, kasi sa Intramuros ka e, sila ang may hawak sa 'yo."
Okay lang, although medyo naburat ako sa efficiency nila. Ibig kong
sabihin, wow, Main BIR sila tapos una, naubusan sila ng TIN Forms;
pangalawa, ewan, ang laki-laki ng saklaw nilang lugar, ang laki-laki
ng mga building nila, tapos hindi nila ako ma-accomodate. 'Taragis,
e malamang sa kanila rin naman mauuwi yung records ko kung sa BIR
Davao o BIR Batanes ako mag-apply, dahil tutal, Main sila e, di ba?
So ala na akong magawa, ala rin silang TIN Forms, so useless din kung
magprotesta pa ako dun. So pumunta na lang akong Peyups for official
business, for the first time. Hehehe!
Pagpasok ko sa work, sinubukan kong lakarin yung TIN application
ko sa BIR sa labas ng Intramuros, yung malapit sa port area. Pag-akyat
ko sa taas, hinanapan ako ng certificate of employment at barangay
clearance. At dahil walang nagsabi sa akin na kailangan ko nun, lalo
na yung lalaki sa BIR Main, wala akong bitbit na requirements.
Pagbalik ko sa opisina, inexplain ko sa bosing namin yung problema.
Nakatingin sa akin yung bosing ko na parang nawe-weirduhan din at
di maintindihan yung paghihigpit ng BIR. Lintek, sabi nga nung isang
workmate ko, the fact na nag-apply na ako for TIN, dinedeclare ko
na sa gobyerno na puwede na nilang kupitan, err, kaltasan ang maliit
kong suweldo. Ako na nga ang magbibigay ng pera sa kanila, ako pa
ang hinihigpitan. Tanginang gobyerno yan, kahit kailan talaga pahirap
sa mga tao.
Anyway, pag-aaralan pa raw nila kung mabibigyan nila ako ng certificate
of employment. Yung barangay clearance, ako na ang maglalakad. Plano
kong bumalik ulit sa BIR Main. Hindi ko na lang sasabihin na sa Maynila
ako nagtatrabaho. Yung ninang ko na may business, binigyan ako ng
TIN Forms. Form 1901, take note. Para sa mga regular employees. May
pipirmahan sa likod ang employer ko. After nito, dumiretso ako sa
baranggay hall namin para sa clearance. Hiningan ako ng CV para sa
file. Medyo naiirita na ako sa puntong ito. Isipin mo naman kung gaano
ka-hassle ang buong prosesong ito, para saan? Para gawin ko ang aking
role bilang mabuting mamamayan sa pagbabayad ng tamang buwis. Anyway,
tinanong ako nung babae sa baranggay hall kung may TIN daw ako. Napapalo
ako sa noo ko. Whoooooo!!! I LOVE THIS COUNTRY!!!!!
Okay! So may clearance na ako! Humingi na ako ng certificate of employment
sa bosing ko, at pinapapirmahan ko na siya sa likod ng Form 1901 ko.
Kaso sabi niya, hindi raw puwede kasi wala ako sa roster of employees
ng NCCA. Project employee lang ako e. So tinanong ko kung puwede ibalik
yung mga kaltas sa akin, tutal ala naman akong TIN e, at ayaw akong
bigyan ng BIR, kaya putangina sila, di ko bibigay pera ko sa gobyerno!
Ang problema, hindi raw puwede yun. Tuloy-tuloy ang kaltas sa suweldo
ko. Kapag hindi raw kasi kinaltasan, sila raw ang malilintikan kapag
nag-check ng expenses ang NCCA, makikitang hindi binawasan ang suweldo
ko. So tinawag ngayon yung isang accountant ng NCCA para tulungan
kami sa aming munting problema. Hindi rin maintindihan nung accountant
kung bakit hinihigpitan ako ng BIR. Putsa, ako na nga ang magbibigay
ng pera sa gobyerno, may gana pa silang magpakipot. Sabi nung accountant,
yung kinaltas sa akin, mapupunta pa rin sa gobyerno, may TIN man ako
o wala, at hindi sa bulsa ng kung sinuman sa NCCA.
Well, dadaan muna sa gobyerno, sa BIR, bago mauwi sa bulsa ng isang
congressman, pero technically, alang problema dahil pagkahaba-haba
man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ni Satanas ang tuloy. Ang difference
bale, kapag may TIN ako, dinedeclare ko lang na sa akin galing yung
kakaning-ibon na baryang portion ng pang-tip ni Mr. Congressman sa
pokpok niya sa Pegasus. Otherwise, mula kay Mr. Anonymous yung pang-tip
niya.
Advise sa akin, sabihin ko na lang na freelance writer ako. Tutal,
may kaltas din naman daw kapag nag-freelance ka sa mga diyaryo. Tapos
i-assert ko raw na ako na ang magbibigay ng pera sa kanilang mga letse
sila kaya dapat bigyan pa nila ako ng libreng Chocolait at biskwet
out of gratitude mga hayop silang mga impakto sila.
Okay. So bumalik ulit ako sa BIR Main. As usual, ang pila lang ay
yung sa harap, kung saan nagtse-check yung sekyu ng bomba sa mga bag
ng mga tao. Anyway, babae na yung nasa desk ngayon. Pinakita ko na
yung baranggay clearance ko, at yung accomplished Form 1901 ko. Nung
tinanong sa akin kung saan ako nagwowork, inexplain ko na freelance
writer ako kaya wala akong regular employer, kaya walang nakapirma
sa likod. Okay? Okay. Hinde. sabi nung babae, since hindi ako regular
employee, ibang form dapat ang finill-up-an ko. At bigla siyang naglabas
ng Form 1902 at binigay sa akin. Whew, kinabahan ako dun a. Yung Form
1902, sabi niya, ay para sa mga "mixed-income individuals,"
para sa mga taong hindi regular ang kita- professionals, businessmen,
at sabi niya, freelance writers.
Okay! Fill-up dito, fill-up dun, okay lang!!! Magkakaroon na ako
sa wakas! Inaabot ko na sa babae yung Form 1902! Eto na...
"Ummm, okay na? Ngayon, punta kayo sa West Avenue Branch namin."
Nanlaki ang mata ko. Wow, nasira agad ang aking moment of triumph.
"Err, hindi po ba puwede rito sa Main?"
"Hinde, kasi sa Project 6 ka nakatira. West Ave. Branch namin
ang may hawak sa inyo."
Naramdaman ko, parang umiikot-ikot ang paligid ko. Parang gumagaan
ang ulo ko, nanglalambot at naghihina ang tuhod ko. Bigla kong naramdaman
ang isang matinding pangangailangan na i-headbutt ang kausap kong
babae sa desk. Sa halip na isang headbutt, nagtanong na lang ako.
"Puwede po bang ibang tao na lang ang maglakad nito para sa
akin?"
"Oo, gawa ka ng authorization letter..."
Ah! Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib! Papalakad ko na lang
ito sa nanay ko. hehehe. Paglabas ko, marami pa ring tsinecheckan
ng bomba sa bag sa harap. Ngayon alam ko na kung bakit. Ako rin gusto
ko rin silang bombahin.
Hindi ko pa rin mawari, nung araw na yun, kung ano pa talaga ang
purpose ng BIR Main. Nakangsiomai, dun sa maliliit na branches nila,
siksikan ang mga tao, milya-milya ang pila. Sa Main, ang lawak-lawak,
pero di sila nag-a-accomodate ng applications!
Sa kasamaang palad, hindi ako nakapagsulat ng authorization letter,
at masyadong busy ang nanay ko para ilakad ang TIN ko. Anyway, sabi
niya sa akin, may kaklase yung tita ko sa BIR West Ave. Kapag nagipit
ako, hanapin ko na lang yun. Okey. Sige. Isa pa, may Form 1902 na
ako, baranggay certificate, at yung excuse ng aking pagiging freelancer.
Pila lang siguro ang problema, pero okay na. Putsa, dapat okay na.
At nakarating din ako, isang araw, sa BIR West Ave. Sa second floor
sila nag-oopisina sa isang building. Masikip yung elevator dahil sa
dami ng tao. Narating ko na rin yung desk para sa TIN. Nung chineck
nung babae dun yung papeles ko, hinanap nila yung pirma ng employer.
"Ay. Wala po. Freelance Writer po ako e."
Napatingin sa akin yung babae, tinitigan ako sa mata na wari'y tinitimbang
ang mga salitang aking nasambit...
"Ano yung Freelance Writer?"
Napapalo ako ulit sa noo.
"Ma'am, freelancer po ako. wala po akong regular na sahod. Binabayaran
ako per article na sinusulat ko. Hindi po ako regular employee kaya
wala akong certificate of employment."
Nung makitang Form 1902 ang dala ko, sinabihan pa akong maling form
ang bitbit ko, kaya ineplain ko pa na nanggaling na ako sa BIR Main,
na Form 1901 ang dala ko dati pero sabi dun, mali raw ang 1901 para
sa akin kaya binigyan ako ng 1902 dahil freelance writer ako, at inirefer
ako sa branch nila.
Nakatitig sa akin yung babae, ninamnam ang bawat salitang sinambit
ko...
"Ano yung Freelance Writer?"
Okay! Kulang ka ba sa iodized salt?
Ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at nakatingin
pa rin siya sa akin na tila nambubullshit lang ako.
"Punta ka na lang sa Officer of the Day."
"Umm. Saan po yun?"
"Sa Seventh Floor."
1...2...3...4...5...6...7...8...9...10... ayan... kumakalma na ako...
NAKANANGTOKWA!!!! ANG DAMING TAONG NAKAPILA SA ELEVATOR!!!! $#*^%$%#!!!!!!!!
Alang choice, tumakbo ako paakyat sa hagdanan mula 2nd patungong
7th floor. Hingal na hingal ako nang lapitan ko ang Ofiicer of the
Day.
"Ma'am, pinaakyat po ako mula sa second floor..." At ipinaliwanag
ko yung nangyari, mula yung pagpunta ko sa BIR Main, hanggang sa pagpunta
ko sa ibaba kanina.
"Umm... at anong gusto mong gawin ko?"
Gumuho muli ang mundo ko, pero buti na lang may upuan sa likod ko.
Ipinaliwanag ko ulit.
"Oo nga. Sa second floor ang application ng TIN. Bakit ka pinaakyat
sa akin?"
Halos nagmamaka-awa na ako.
"Ma'am, ala po ba talaga kayong magagawa?" At inilahad
ko ulit yung masasayang adventures ko sa BIR Main, sa BIR Port Area,
sa BIR Main, at sa BIR nila.
Awa ng Diyos, may kinuhang chart yung ale, hinanap yung kategorya
ko. Nung makuha yung code, sinulat niya sa isang espasyo sa 1902 ko,
sabay tatak.
"Ayan. Okay na yan."
Napangiti ako. Sincere!!! Halos mapaihi na ako sa tuwa. Matatapos
na!!! Kaso, putsa, ang daming taong naghihintay sa elevator. Walang
choice, takbo ulit ako sa hagdanan pababa.
Pagdating dun, lalaki na yung nakaupo sa desk. Pinakita ko ulit yung
mga papeles ko.
"Saan ang Certificate of Employment mo?"
Nammannnnn!!!! Ano ba'to? Twilight Zone? Napasok ba ako sa isang
loop?
"Bosing, hindi po ako regular employee e. Freelance writer po
ako."
"Ano yun?"
NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
At ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at ikinuwento
ko yung episode kanina, at yung episode sa BIR Main, etc.
"Ito kasing Form na ito, itong 1902, para sa mga may negosyo
ito e."
"E yan po ang binigay ng BIR Main sa akin, dahil hindi regular
ang sahod ko!"
"May mayor's permit ka ba?"
Pikon na pikon na ako nun kaya hindi ako natawa, pero, talaga, grabe,
comedy ito, men. Wow.
"Hindi ko po kailangan ng mayor's permit! Writer lang po ako!"
Ineksamin ulit nung lalaki yung papeles ko.
"Ummm, propesyunal ka ba?"
"Opo."
"Anong propesyon mo?"
"Writer po."
"May lisesnsya ka ba?"
Sa isip ko- "HU-WAAAAAAATTTTTT!!!????"
Kung kumain ako ng bulalo kanina, malamang na-stroke na ako ngayon.
"HINDI NYO PO KAILANGAN NG LISENSYA PARA MAGING WRITER!!!"
Sabay follow-up ko ng:
"ANO BA KAYO? AKO NA MAGBABAYAD NG TAX SA INYO, PINAPAHIRAPAN
NYO PA AKO!!!"
Deadma si lalaki. Nakatingin pa rin sa papeles ko, iniisip kung ano
gagawin. Kung pinapunta pa niya ako ulit sa Officer of the Day, ihi-headbutt
ko na 'to talaga. Buti na lang-
"O sige, irereceive ko ang forms mo, pero ang alam ko dapat
may kasamang papeles pa ito e. Pumila ka na lang dun..."
"Haaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy.......!"
Kaso, sobrang haba ng pila, at sa takbo ng mga pangayayari ngayon,
ayoko nang maghintay ng isa't kalahating oras para lang mag-replay
ng kuwento ng kung ano ang freelance writer, at kung bakit hindi ako
regular employee. Lumabas ako, pumunta ako sa corridor. Pikon na pikon.
Tinawagan ko nanay ko, tinanong ko yung pangalan ng kaibigan dati
ng tita ko sa high school na nagtatrabaho ngayon dun. Okay, nakuha
ko na yung pangalan. Balik ako dun, tinanong ko yung sekyu kung saan
ang opisina nung babae.
"Sa seventh floor po."
Hindeeeeee!!!!! Pero sige, para lang magkaroon ng bunga ang paghihirap
ko ngayong araw na ito—may exodus ng tao sa harap ng elevator,
kaya ayun, inipon ko ang natitira kong lakas at hininga, at aking
tinakbo muli ang second to seventh floor sa hagdanan.
Pagdating sa taas, halos bumagsak sa lupa ang baga ko. Nagtanong-tanong
ako ulit kung saan ang opisina nung bes-pren ng tita ko, hanggang
sa mapunta na ako sa gitna ng opisina nila. Sa wakas—
"Ay! Diyan yung opisina nun, pasok ka diyan."
Yehey!!!
"Ha? Ay! On-leave siya ngayon. Babalik siya sa January 2."
NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Hindi pa rin nauubos ang mga tao sa elevator, hindi ko maalala kung
paano ko tinakbo pababa ang first floor.
Pikon na pikon ako, grabe. Pag-uwi, nakaubos yata ako ng isang pitsel
ng gulaman. Hinintay kong humupa ang tila-nuclear holocaust ng galit
sa loob ng dibdib ko. Punyetang gobyerno ito!!! Letse!!! Hindi mahuli-huli
yung mga tax evaders, hindi mabigyan-bigyan ng TIN yung mga nagmamagandang
loob na magbayad ng buwis!!! Tangina, no wonder may lumolobo tayong
mga deficit!!! Syet!!! Ano nangyari sa iodized salt campaign ni Ramos?!!
Nung gabi, tinawagan ko si TJ, yung kasama ko sa trabaho, at kinuwento
ko lahat. Lagi ko kasing kinukuwento ang bawat installment ng aking
BIR adventures, at tulad ng isang epiko, grabe ang climax nung hapon
na yun. Syet. Hayop sa climax. Tinatawanan ko na lang, pero nung hapon
na yun kaya ko sigurong mangagat ng leeg. Tawa rin nang tawa si TJ,
at ngayon, kuwento niya, tawa rin nang tawa yung mga pinagkuwentuhan
niya. Pati yung mga tao sa tambayan namin, nung kinuwento ko, di rin
makahinga sa katatawa. Langya, baka maging urban legend pa ang buhay
ko, in which case, sana puwede kong i-video lahat, at lalagyan ko
ng sumpa—ala "Ring," tapos papadalhan ko ng kopya
yung mga tao sa BIR.
Naisip-isip ko na lang ngayon, paano nga kung kailangan mo ng lisensya
para magsulat. Isang physical manifestation ng concept ng poetic license?
haha! Kung sa driver's license, may mga restrictions tulad ng "Vehicle
up to 4500 KGS GVW" o kaya "Automatic clutch above 4500
KGS GVW," etc. paano kaya yung sa "Poetic License"
o "Writing License?"
I.Restrictions
1. Haiku and short essays only
2. Essays up to 500 words and Freeverse up to 5 stanzas
3.Essays above 500 words and Freeverse above 5 stanzas
4. Critical Essays, Short Fiction, Poetry
...etc.
Pero nag-digress na naman ako.
Isang hapon, pagkatapos nung BIR episode, dumaan ako sa tambayan
namin sa UP. Nung makita ako ng mga kasama ko-
"Jol! Pumayat ka a! Grabe!"
hehehe. Naalala ko yung jogging-jogging ko sa building, at yung stress,
at napangiti ako. Isang mapait at matamis nga ngiti.
At ikinuwento ko kung bakit.
Pahabol:
Hanggang ngayon, wala pa akong TIN. Kuwento ni TJ, si Santi Bose raw,
namatay nang walang TIN. Nakakatakot.
---------------
Ang artikulong ito ay nalathala rin sa http://canislupusfidelis.port5.com
at sa Peyups.com.